mid_top
FLORANTE Akoy Tao Lyrics
Akoy Tao
Iisipin ng iba na akoy abang-aba dahil sa kasuotan kong ito

Ang pantalon koy may butas, ang laylayan ay tastas

may tagpi ang kupas na polo ko.

At kung itoy sanhi upang kasuklaman, akoy huwag naman sanang ipagtabuyan

pagkat akoy tao na may butot laman tulad nila sa daigdig ay may karapatan

Sasabihin ng iba na akoy isang mangmang dahil ang naabot koy mababa lang

Iisa ang diploma, markay pasang awa pa, nakamit sa isang mababang paaralan

At kung itoy sanhi upang kasuklaman, akoy huwag naman sanang ipagtabuyan

pagkat akoy tao na may butot laman tulad nila sa daigdig ay may karapatan

adlib

May dugo at may laman, may puso at isipan, akoy tao na mayrong pakiramdam

Kahit na ina-aba at ituring pang mangmang, akoy tao na walang pakialam

At kung itoy sanhi upang kasuklaman, akoy huwag naman sanang ipagtabuyan

pagkat akoy taong husto ang isipan tulad nila sa daigdig ay may karapatan
Back to: FLORANTE lyrics
These lyrics are not available for printing.
How much do you love Akoy Tao?
big_sean
Comments

Akoy Tao received 10 out of 10 based on 82 ratings.

Share FLORANTE Akoy Tao lyrics!
artist_btm
mid_btm