Kay rami ko nang naririnig
Kay raming gumugulo sa aking isip
Sabi nila ikaw raw ay may ibang mahal
Sabi rin nila na tayo`y hindi magtatagal
O kay sakit namang isipin
Mawawala ka sa `king piling
Kaya`t mabuti pa
Wag alamin ang totoo
Ayoko nang malaman pa
Na mayroon ka nang iba
Hayaan nang maging manhid itong isipan
`Di na inalam ang totoo
Baka masaktan lang ako
Hayaan nang maging bulag sa katotohanan
Mahal ko
`Wag sanang mawalay sa akin
`Wag sanang ikaw ay magbago
Tama na sa akin ang nalalaman ko
Sapat na sa akin ika`y nasa piling ko
O kay sakit kung iisipin
Na iba na ang `yung damdamin
Kaya`t mabuti pa`y `wag alamin ang totoo
Ayoko nang malaman pa
Na mayroon ka nang iba
Hayaan nang maging manhid itong isipan
`Di na inalam ang totoo
Baka masaktan lang ako
Hayaan nang maging bulag sa katotohanan
Ayoko nang malaman pa
Na mayroon ka nang iba
Hayaan nang maging manhid itong isipan
`Di na inalam ang totoo
Baka masaktan lang ako
Hayaan nang maging bulag sa katotohanan
Mahal ko
Back to:
RACHEL ALEJANDRO lyrics