Gloc 9 Hinahanap Na Puso lyrics

mid_top
Gloc-9 Gloc 9 Hinahanap Na Puso Lyrics
Gloc 9 Hinahanap Na Puso
Pasensya na aking mahal

`Di naman ako magtatagal

Nais ko lamang marinig mo ang bawat nilalaman

Ng puso kong ito

Inaalay ko sa `yo

Dinggin mo sana mga sinasabi ng awitin ko


Pilitin mang ibaling

At sa iba`y isalin

Ay `di malimot ang halimuyak na hatid ng hangin

Nung una kang makita

Hindi makapaniwala

Parang panaginip at langit aking nadarama



REFRAIN

Nais kong malaman mong ikaw ay aking iniibig

Sana ay dinggin mo ang tibok nitong dibdib

Nais kong malaman mong ikaw ang nasa panaginip

At magkalapit agwat ng ating daigdig



CHORUS

Hinahanap ng puso ang pag-ibig mo (makinig ka sana sa `kin)

`Di ko malilimutan ang pagmamahal at ligaya na dala mo (laman ng aking damdamin)

At kung saka-sakali na kaya mo pang ibalik (sige na `wag ka nang mag-alinlangan)

Ang dating pagtingin sa puso kong nananabik pa sa iyo



Ngunit ngayon alam ko na

Sadyang magkaiba

Ano nga naman ang `di mo pwedeng makita sa kanya

Merong magarang kotse

Wallet na doble-doble

`Di tulad ko na `di man lang makapanood ng sine


Sana`y malaman mo

Na mawala man ako

Ay may pag-ibig na laging gumagabay sa `yo

`Di ka pababayaan

Laging aalagaan

Hanggang sa dulo ay tunay aking naramdaman



[Repeat REFRAIN]

[Repeat CHORUS thrice]



Hoh hoo
Back to: Gloc-9 lyrics
These lyrics are not available for printing.
How much do you love Hinahanap Na Puso?
big_sean
Comments

Hinahanap Na Puso received 8 out of 10 based on 88 ratings.

Share Gloc-9 Gloc 9 Hinahanap Na Puso lyrics!
artist_btm
mid_btm