mid_top
FLORANTE Hoy Kupido Lyrics
Hoy Kupido
Hoy! Kupido, huwag ka sanang bara bara sa pagpana.

Hoy! Kupido, ang palaso moy itago kaya muna.

Mayrong nagsisipagtanan ng hindi pa husto sa gulang.

Parang pagkain sa bibig na pag mainit ay basta iluluwa na lamang.

Hoy! Kupido, kung gising ka may dapat ka pang gumising.

Hoy! Kupido, sana ay piliin mo ang papanain..

May nagsisipag-asawa ng hindi pa handa o kaya.

Taoy halos katulad na ng aso sa bilis kahit na sa tabing kalsada.

Mag-ingat kupido at huwag magkamali, mabisa ang pag-ibig na hindi minadali.

Bayaan kupido na mag-isip-isip ang tao sa mundong ngayoy nagsisikip.

Hoy! Kupido, ikaw sanay huwag magagalit sa akin.

Hoy! Kupido, alam kong dapat umibig at ibigin.

Ngunit ang pagpapamilyay dapat isaplanong bagay

upang ang ligayay makamit magbunga ng isang wagas at magandang pag-ibig,

magbunga ng isang wagas at magandang pag-ibig
Back to: FLORANTE lyrics
These lyrics are not available for printing.
How much do you love Hoy Kupido?
big_sean
Comments

Hoy Kupido received 9 out of 10 based on 28 ratings.

Share FLORANTE Hoy Kupido lyrics!
artist_btm
mid_btm