mid_top
DAWN Iisang Bangka Lyrics
Iisang Bangka
Kay dilim at kay ginaw sa kalawakan ng dagat
Ubod lakas kung humiyaw ang galit na hanging habagat
Ngunit buo ang puso mo'ng ang daluyong ay sugurin
Magkasama tayong katahimika'y hahanapin

Saan ang tungo mo mahal ko'ng kaibigan
Saan sasadyain hanap mo'ng katahimikan
Basta't tayo'y magkasama laging sasabayan kita
Pinagsamaha'y nasa puso kaibigan kabarkada
Iharap natin ang layag sa umaawit na hangin
Kapit-bisig tayong ang gabi ay hahawiin

Chorus 1:
Dahon ng damo, tangay ng hangin
At di mo matanaw kung saan ka dadalhin
Ngunit kasama mo ako, nakabigkis sa puso mo
Daluyong ng dagat ang tatawirin natin

Saan ang tungo mo mahal ko'ng kaibigan
Saan sasadyain hanap mo'ng katahimikan
Basta't tayo'y magkasama laging sasabayan kita
Pinagsamaha'y nasa puso kaibigan kabarkada
Iharap natin ang layag sa umaawit na hangin
Kapit-bisig tayong ang gabi ay hahawiin

Chorus 2:
Ating liliparin, may harang mang sibat
Ating tatawirin, daluyong ng dagat
Basta't kasama mo ako, iisang bangka tayo
Anuman ang mithiin ay makakamtan natin

Ating liliparin, may harang mang sibat
Ating tatawirin, daluyong ng dagat
Basta't kasama mo ako, iisang bangka tayo
Anuman ang mithiin ay makakamtan natin
Back to: DAWN lyrics
These lyrics are not available for printing.
How much do you love Iisang Bangka?
big_sean
Comments

Iisang Bangka received 10 out of 10 based on 43 ratings.

Share DAWN Iisang Bangka lyrics!
artist_btm
mid_btm