Bawat kuwento ng pag-ibig
Na nalaman pawang luha
At hirap at kalungkutan
Kay tamis ng simula
Wari`y walang hanggan
Ngunit parang lagi na lang nabibigo
Kung sinu-sino nang kilala ko ang nasaktan
Madalas pa ngang ako ang takbuhan
Kung kaya ang nais ko`y iyo sanang maintindihan
Sa kabila ng tapat mong pagsuyo
CHORUS
Kailan kaya kita mamahalin
Kailan kaya kita iibigin
Kailan ba malilimot at hindi na matatakot
Sa pagkakataong ito`y luluha rin
Tunay man ang `yong pag-ibig sa akin
Hindi ko alam kailan kita mamahalin
Malinaw man sa isip ko ang mga alinlangan
Sa puso ko`y dama`ng pangangailangan
Sa isang pagmamahal na sadyang aking-akin lang
Umaasang nga sana`y mahintay mo
Kailan kaya kita mamahalin
Kailan kaya kita iibigin
Kailan ba malilimot at hindi na matatakot
Sa pagkakataong ito`y luluha rin
ailan kaya kita mamahalin
Kailan kaya kita iibigin
Kailan ba malilimot at hindi na matatakot
Sa pagkakataong ito`y luluha rin
Tunay man ang `yong pag-ibig sa akin
Hindi ko alam kailan kita mamahalin
Back to:
ANNA FEGI lyrics