Kumusta ka?
Ikaw ay walang pinag-iba,
Ganyan ka rin nang tayo ay huling magkita
Tandang-tanda ko pa habang ako`y papalayao,
Tinitingnan kita hanggang wala ka na.
Kumusta ka?
May ibang kislap ang yong mata;
Halata na ang daigdig mo ngayon ay kay saya.
Siguro ay nagmamahal ka na ng totoo;
S`ya ba`y katulad konung tayong dalawa?
REFRAIN:
O kay tagal na ako`y nag-isip at naghintay
Makita ka, mayakap at muli pang mahagkan;
Ngunit ngayong nangyari na, ako ay nauutal,
Walang masabi kundi kumusta ka.
Kumusta ka?
Ano ba`ng dapat sabihin pa?
Dibdib ko`y malakas na namang kumakaba
Dapat kayang malaman mong hindi nagbabago
Hanggang ngayon, sinta mahal pa rin kita
REFRAIN:
O kay tagal na ako`y nag-isip at naghintay
Makita ka, mayakap at muli pang mahagkan;
Ngunit ngayong nangyari na, ako ay nauutal,
Walang masabi kundi kumusta ka.
Back to:
NONOY ZUIGA lyrics