Matagal ko nang itinatago
Mga ngiti sa munti kong puso
Batid kong alam mo nang umiibig sa `yo.
Bakit hindi mo pansin itong aking pagtingin
Ba`t di mo ramdam ang tibok nitong dibdib
Kaibigan lang pala ang tingin mo sa akin.
Kung ako ba siya, mapapansin mo?
Kung ako ba siya, mamahalin mo?
Ano bang mayro`n siya na wala ako?
Kung ako ba siya, iibigin mo?
Hmmmm....
Masakit ko mang isipin
Mahirap mang tanggapin sa damdamin
Pag-ibig mo pala`y hindi sa akin.
Ngunit anong gagawin ng puso
Sa `yo lang ibinigay ang pangako
Patuloy nga namang aasa sa `yo, sinta..
Kung ako ba siya, mapapansin mo?
Kung ako ba siya, mamahalin mo?
Ano bang mayro`n siya na wala ako?
Kung ako ba siya, iibigin mo?
Ikaw lamang ang inibig nang ganito
Sabihin mo kung paano lalayo sa `yo.
Kung ako ba siya, ooohhh
Kung ako ba siya, mamahalin mo?
Ano bang mayro`n siya na wala ako?
Kung ako ba siya, kung ako ba siya...
oohhhhh ooooohhhh
iibigin mo....
Back to:
PIOLO PASCUAL lyrics