`Langit pala ang umiibig
Makulay ang bawat paligid
Palaging ikaw ang nasa isipan ko.
(17:28)
Ligaya`y wala nang katulad
Puno ng saya ang pangarap
Ang bawat saglit ay laging nakikita ka.
(Duet)
Wala akong ibang hinahangad
Wala ring hinahanap
Basta`t ang nais ko`y kapiling kita
Ikaw ang ligaya, ikaw ang pag-asa
Hindi ko kailangan ang pag-ibig nang iba
Ikaw ang dalangin, ikaw lamang sa akin
Dahil wala na ngang iba
Sa akin langit ang ibigin ka.
(17:28)
Langit pala ang umibig
Makulay ang bawat paligid
At laging ikaw ang nasa isipan ko.
(Jolina)
Ligaya`y wala nang katulad
Puno ng saya ang pangarap
Kung bawat saglit ay laging nakikita ka.
(Duet)
Wala akong ibang hinahangad
Wala ring hinahanap
Basta`t ang nais ko`y kapiling kita
Ikaw ang ligaya, ikaw ang pag-asa
Hindi ko kailangan ang pag-ibig nang iba
Ikaw ang dalangin, ikaw lamang sa akin
Dahil wala na ngang iba
Sa akin langit ang ibigin ka.
(17:28)
Ibigin ka...
(Duet)
Ikaw ang ligaya, ikaw ang pag-asa
Hindi ko kailangan ang pag-ibig nang iba
Ikaw ang dalangin, ikaw lamang sa akin
Dahil wala na ngang iba
Sa akin langit ang ibigin ka.
`
Back to:
JOLINA MAGDANGAL lyrics