Mata Ng Diyos lyrics translation: WOLFGANG Mata Ng Diyos song texte and letras WOLFGANG Mata Ng Diyos tab, paroles and testo WOLFGANG Mata Ng Diyos Karaoke and Music Video - none yet
sa pag mulat ng aking mata
ako`y ginising ng ihip ng hangin
ang sikat ng araw, makulay
sa tabi ng ilog
parang may tumatawag, pabulong
ako`y lumapit sa puno`y may natanaw
dumilim ang araw
bumigat bigla ang aking dibdib
tibok ng puso`y bumilis
ako`y hindi mapakali, ako`y naduduwal
sa pagtitig ng kanyang mata
ako`y kanyang hinusgahan
ligaya kong naramdaman
binawi sa akin
at hindi ko maalala
kung saan galing ito
mga bahid ng dugong dumikit sa aking mga kuko
tumakbo, lumayo sa lugar na `to
lalamunan ko`y tuyung-tuyo
tumakbo, lumayo sa pagtitig mo
sa mata ng Diyos
biglang umikot ang paningin
liwanag ng araw biglang dumilim
malambing na ihip ng hangin ngayon ay maitim
ako`y nawala sa aking sarili
pati ang lupa`y gumanti
bata, bundok at puno man
sumisigaw, sumisigaw...
at ngayon ko nakita
ang lahat ng kasalanan, tinaboy sa ulan
init at kamunduhan
tumakbo, lumayo sa lugar na `to
lalamunan ko`y tuyung-tuyo
tumakbo, lumayo at magtago
sa mata ng Diyos