Inalagaan at minahal kita
Pinangarap at sinamba ko pa
Sinugatan ang puso kong ito
Nang nagkalayo puso`y nagtampo
Di maiwasan na maalala pa
Ang pag-ibig na siyang nagbibigay-sigla
Mga umaga na dati`y kay saya
Ay lumipas na at di na maibabalik pa.
CHORUS:
(May pag-ibig pa kaya) Buksan ang puso mo
(Pagkat ika`y mahal) Mahal pa rin hanggang ngayon
(May pag-ibig pa kaya) Kailanma`y maghihintay sa`yo
Umaasa na mahal mo pa rin ako (ooh yeah...)
Mga pangako sa `yo`y tutuparin
Hindi iibig sa iba kailan pa man
Kahit di na tayo magkatagpo
Iibigin ka kahit na mabigo
CHORUS:
(May pag-ibig pa kaya) Buksan ang puso mo
(Pagkat ika`y mahal) Mahal pa rin hanggang ngayon
(May pag-ibig pa kaya) Kailanma`y maghihintay sa`yo
Umaasa na mahal mo pa rin ako
Iniisip na mahal mo rin ako
Woh...
CHORUS:
(May pag-ibig pa kaya) Buksan ang puso mo
(Pagkat ika`y mahal) Mahal pa rin hanggang ngayon
(May pag-ibig pa kaya) Kailanma`y maghihintay sa`yo
(Iniisip na mahal mo rin ako)
Mahal na mahal, mahal na mahal
May pag-ibig pa kaya sa puso mo?