mid_top


HAJJI ALEJANDRO Nakapagtataka Lyrics
Nakapagtataka
Walang tigil ang gulo
Sa aking pag-iisip,
Mula nang tayo`y nagpas`yang maghiwalay;
Nagpaalam pagka`t hindi tayo bagay,
Nakapagtataka (hoh hoh)

Kung bakit ganito
Ang aking kapalaran;
Di ba`t ilang ulit ka nang nagpaalam,
At bawat paalam ay puno nang iyakan?
Nakapagtataka, nakapagtataka

Hindi ka ba napapagod,
O di kaya nagsasawa,
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan(oh?)

Napahid na`ng mga luha,
Damdamin at puso`y tigang,
Wala nang maibubuga,
Wala na `kong maramdaman (hoh)
Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba`t di tayo magkasunduan? (oh hoh hoh)

Walang tigil ang ulan
At nasaan ka araw?
Napano na`ng pag-ibig sa isa`t isa?
Wala na bang nananatiling pag-asa?
Nakapagtataka, saan na napunta?

Hindi ka ba napapagod,
O di kaya nagsasawa,
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan(oh?)

Hindi ka ba napapagod,
O di kaya nagsasawa,
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan(oh?)

Kung tunay tayong nagmamahalan,
Ba`t di tayo magkasunduan, oh hoh ho hoo?
Hmmm...
Back to: HAJJI ALEJANDRO lyrics
These lyrics are not available for printing.
How much do you love Nakapagtataka?
big_sean
Comments

Nakapagtataka received 9 out of 10 based on 15 ratings.

Share HAJJI ALEJANDRO Nakapagtataka lyrics!
artist_btm
mid_btm