Noong araw ikaw ay pugad ng mga
Taga-ibang bansang sundalo
Bumaha ang salapi kasama
Ang lahat ng uri ng bisyo
Nguni`t ang lahat nang iyan ay nawala
Sa pagsabog ng bulkan, nasalanta
Nasaan ka na
Kamusta ka Pampanga
Kamusta ka Pampanga
Kamusta ka ngayon, bayan ko
May pag-asa ba
Kamusta ka Pampanga
Tinabunan ka ng putik at bato
Subali`t di ka nagpatalo
Bawat kahirapa`y may dalang lakas
Ito`y nakita ko sa iyo
Bagong buhay ay umuusbong muli
Magmula sa matibay na pananalangi`t pagpupunyagi
Kamusta ka Pampanga
Kamusta ka Pampanga
Kamusta ka ngayon, bayan ko
May pag-asa na
Kamusta ka Pampanga
Sa bawat sandali bumabalik ang iyong ngiti
And dating di makatayo`y naglalakad muli
Ikaw ay himala sa panahon ng tag-hirap
Ako ay humahanga sa iyong lakas at pagsisikap
Kamusta ka Pampanga
Kamusta ka Pampanga
Kamusta ka ngayon, bayan ko
May pag-asa na
Kamusta ka Pampanga
Kamusta ka Pampanga
Kamusta ka ngayon, bayan ko
May pag-asa na
Kamusta ka...
(Misasan metung tamu)
(Nanuman ing malyari)