Padyak ka nang padyak
Kinakapos ang bawat sikad
Dikit-dikit kay liit ng paligid
Indak ka nang indak
Bitin ka sa kapirasong banat
Lapit-lapit tinatapik ang `yong gilid
REFRAIN:
Kahit gusto mong itodo nang husto
Sa sikip ng `yong espasyo para ba`ng talo
Kung tiyempo ay ganado
Puwes ihataw mo
Bueno narito ang dapat lang sa `yo
CHORUS:
Sampa na sa rampa
Sa`n ka pupunta
Sampa na sa rampa
Ibigay mo na
Sampa na sa rampa
D`yan ka uubra
Sampa na sa rampa
Ibigay mo na
Yugyog ka nang yugyog
Paligid mo`y nabubulabog
Winawalang bahala ang mga madla
Dabog ka nang dabog
Sayaw na kulang sa indayod
Rumaratsada sa paghiyaw ng cha-cha
REFRAIN:
Kahit gusto mong itodo nang husto
Sa sikip ng `yong espasyo para ba`ng talo
Kung tiyempo ay ganado
Puwes ihataw mo
Bueno narito ang dapat lang sa `yo
CHORUS:
Sampa na sa rampa
Sa`n ka pupunta
Sampa na sa rampa
Ibigay mo na
Sampa na sa rampa
D`yan ka uubra
Sampa na sa rampa
Ibigay mo na