Kung kayo man ay parang isang tahong
Na nasa tubig ngunit puno ng tanong
O kaya`y isang malaking pagong
Na may bahay na parang mabigat na payong
Sumama kayo sa akin at aandar tayo
Malawak ang tubig sa paligid
Kay sarap sumisid
Maraming mararating
Pang-aliw sa ating damdamin
Sa pagpasyal inyong matatanaw
Mga tanawin na wala sa atin
Lumipad ka d`yan sa tubig
Lumipad ka d`yan sa tubig