Pagmasdan ang ulan,
Unti-unting pumapatak sa mga halama`t mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim,
Unti-unting bumabalot sa buong paligid t`wing umuulan
Kasabay ng ulan bumubuhos ang `yong ganda,
Kasabay rin ng hanging kumakanta
Maari bang huwag ka na
Sa piling ko`y lumisan pa hanggang ang hangi`t ula`y tumila na
Buhos na ulan, aking mundo`y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo,
`Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko`y umaapaw,
Damdamin ko`y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Pagmasdan ang ulan,
Unti-unting tumitila
Ikaw ri`y magpapaalam na
Maari bang minsan pa, mahagkan ka`t maiduyan pa
Sakbibi ka`t ulan lamang ang saksi
Minsan pa ulan bumuhos ka`t h`wag nang tumigil pa
Hatid mo ma`y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko`y umaapaw,
Damdamin ko`y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
(Oooohhh)
Maari bang minsan pa, mahagkan ka`t maiduyan pa
Sakbibi ka`t ulan lamang ang saksi
Buhos na ulan, aking mundo`y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo,
`Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko`y umaapaw,
Damdamin ko`y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Minsan pa ulan bumuhos ka`t h`wag nang tumigil pa
Hatid mo ma`y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko`y umaapaw,
Damdamin ko`y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka Send " Tuwing Umuulan At Kapiling Ka" Ringtone to your Cell